Noon pa ma'y alam ko na
Tula ni Raymund Tamayo
Noon pa ma'y alam ko na
ako'y
mararating mo rin,
wala
nang kailangang magpa-alala,
hindi na kailangang sabihin.
Hindi ko pinlano, hindi
pinlantsa,
ngunit
may dalang pag-asa.
Alam kong daraan ka rin
dito
o doon,
maglalayag
ka rin
sa
mga dagat ng ngayon at mamaya,
hihinto
at mananatili
dito
sa puso kong sigaw ang pag-ibig mo.
Hindi alintana, malayo o
malapit,
alam
kong darating ka rin.
Nanatiling buhay ang damdamin
sa
kabila ng mga kabiguan,
ng
mga lungkot at pagkukulang,
dahil
sa'yo... hindi mo lang alam.
Noon pa ma'y alam ko na
darating
ka rin, lilingon ka rin
at magkikita tayo, mata sa mata,
hindi ka iiwas o tatalikod.
Nang ang mga gabi'y
nagsimulang
bumagal,
pinilit
ko itong pabilisin
sa
mga pangarap ng yakap mo.
Puno ng pagsinta, tanaw ko
ang
imahen mo,
ang
mga ngiti mo,
ang
mga galaw na puno ng misteryo.
Binibigyang tuwa ang lamlam ng magdamag.
Habang ika'y naglalaro
sa
aking kinabukasan, alam kong dadalhin ka
ng
bawat tag-araw sa aking mga bisig,
ng
bawat tag-init sa aking tabi.
At kung ang tag-ulan ay siyang
magsimula na,
basa
at mahamog,
ni
minsan hindi ako nagduda
na
darating din ang init mo
sa
pagdaan ng tag-lamig.
Darating kang parang
bukang-liwayway
pagkatapos
ng bagyo.
Sa pagsikat ng haring araw
maghahawak
ang ating mga kamay.
Pagkatapos ay magdidikit ang mga
katawan,
pupunan
ang hungkag na patlang
na
iniiwan sa mga buhay na walang kasalo
tuwing
tanghalian at hapunan.
Nawala ba ang pag-asa ko?
Ni
minsan hindi.
Ni
minsan hindi ako tumawag ng tulong
o
humingi ng saklolo.
Alam kong darating ka,
mahahanap
mo rin ako.
Pupunuin ang buhay ng pag-ibig
na ipinagkait ng nakaraan.
Noon pa ma'y alam ko na iyon.
No comments:
Post a Comment