Kumusta


Kumusta ka?

Ako si Raymund Tamayo. Isa akong manunulat, manunula, manunugtog. Mangingibig at kung anu-ano pa.

Ginawa ko ang website na ito para sa mga Pilipinong in love, gustong ma-in love, at umaasa pang ma-in love.

Ibinabahagi ko rito ang aking mga lathalang tula at maiikling kuwento sa wikang Filipino. Ito ang kauna-unahang pagkakataong ginawa ko ito.

Ginawa ko rin ito dahil napansin ko na 13 porsiyento lamang ng mga mambabasa ng aking personal blog ang Pilipino.

Nais ko rin sanang maging parte ng buhay ng mga Pilipino, at ngayon eto na nga. Sana.

No comments:

Post a Comment