Swimming Pool


Swimming Pool

Tula ni Raymund Tamayo

Sa gabing ito
Masuyo kitang
Papanoorin
Habang lumalangoy
At nag-s-slide.
Lahat ng linya sa mukha,
Isasaulo,
Imememorya.

Mahigpit akong kakapit
Sa iyong mga kamay,
Isasandal ang ulo,
Sa kaylambot mong braso,
Hanggang sa kumintal sa diwa ko
Ang katauhan mo.

Dangan kasi’y
Bukas makalawa’y paalis ka na.
Magsasapalaran.
Tutuparin ang mga pangarap.
Hindi na tiyak
Kung tayo’y magkikita pa.

No comments:

Post a Comment