Habang unti-unting
sinasakop ng takipsilim
ang saglit na pamamaalam
ng haring araw ay buo pa
rin ang kumpiyansa kong
bukas sa aking paggising
ay
mababanaag kong muli
ang kaaya-ayang ngiti
ng bukang-liwayway.
Sa'yo. Oo, sa'yo.
Sa'yo lamang ang ngiting
higit pa sa ganda ng umaga.
Higit pa sa lalim ng magdamag.
Higit pa sa sarap ng
agahan.
Pansamantala,
sa paglaganap ng
karimlan
ay hahayaan ko munang
ang mga bituin ang
siyang
tumanglaw sa sanlibutan
kong wari'y pinagkaitan
ng liwanag.
No comments:
Post a Comment